s

Abram Jared Atienza

Si Abram Jared Atienza ay 12 years old at panganay sa kanyang dalawang kapatid na lalaki. Siya ay mabuting ehemplo sa kanyang dalawang nakababatang kapatid, patunay rito ang kanyang pagiging consistent honor student mula Kinder hanggang sa pagtatapos niya ng elementary noong Friday, kung saan siya ay itinanghal na Salutatorian. Maliban sa pagiging consistent honor student, siya rin ay isang boy scout senior patrol leader at Elementary Division Student Government President ng Colegio de San Pedro, Laguna. Hindi rin nakakalimot si Jared na magpasalamat sa Diyos dahil siya ay nagseserve sa Sto.Rosario Parish sa Biñan, Laguna bilang isang sacristan. Patuloy na nagsisikap si Jared para maabot ang kanyang pangarap na maging isang PBA player, kaya naman siya rin ay kabilang sa varsity team ng kanyang school. Sa kanyang murang edad, tunay na nakaka-mangha ang paglalaan ni Jared ng kanyang oras sa iba’t ibang aspeto ng buhay – sa pag-aaral, sa komunidad, sa pagiging leader, sa simbahan, at sa pangarap niyang maging isang PBA player. Kaya naman hindi nakakagulat na ang idol ng ating PBA Batang Achiever ay katulad niya ring masipag at all-around pagdating sa court, walang iba kundi si Scottie Thompson ng Barangay Ginebra!

Back